|
Wednesday, September 06, 2006
Birthday ng bessie Pits ko last Sunday kaya nag Bus ako papuntang Etivac upang makikain, aba! ang bruha merong Wow Magic Sing, e li-lima lang kami, ako, pits, yzai, noel tsaka esmi nya...
Sa totoo lang, pare-pareho kami mahilig sa music pero yung music ang walang hilig sa amin, except kay noel na na-ka-ka 80 pataas ang score.
Kapag ako may hawak nang mic, ayaw umusad nang score sa 14... 15... 23... minsan pa nga, 0!!! kainis, sinasabayan pa nang kahol nang aso nilang si Albus, buti sana kung kahol lang, e ungol (awooooooOOOHHH nang awoooooOOOHHH) tapos kakaluskusin ang pinto... nakaka baba nang self esteem di ba?
Ayun, sinumpong na ako ng anxiety attack... sinok ako nang sinok! hik! hik! hik! lolz...
Ewan ko ba, di talaga sanay, minsan nauuntog pa ipin ko sa mic... ahihihi
Kanina nag praktis ako, para sa susunod kahit maka fifty man lang sa score, naka tatlong dedicate ako with my guitar...
First, Emotions para kay Pitsi! Sarap yan luto spaghetti! lolz
Second, Wherever you will Go para kay mmy Lei, sabinya request sya di naman nya sinabi, ako na lang pumili para safe, mamaya mag request nang pussycat girls lolz
Third, Close to You, para sa Reyna ng Masahista, dami kasi na he henlab sa kanya.
Sa mga Gusto marinig tsaka walang aso, pa ki click po
paki hinaan na rin po, baka mabato kayo kapitbahay...
This song is dedicated to me, Hope I Like It!
Posted at 04:39 pm by kenjisjourney
Premier? De Luxe?
|
|